Mga Mahahalagang Impormasyon sa Pagbiyahe sa Bear Country ng Alaska
Mga Babala para sa Kaligtasan laban sa Oso
- Mag-ingay para hindi ninyo magulat ng oso. Manatiling alerto at maghanap ng mga senyas o hudyat na may oso.
- Huwag kailanman lumapit o dagsain ang mga oso; galangin ang kanilang "personal na espasyo."
- Panatilihin na malayo ang pagkain, basura at iba pang mga bagay na nakaka-akit sa oso nang malayo mula sa kanila.
- Manatiling kalmado kapag nakasalimuha ang isang oso, kausapin ito at iwagayway ang inyong mga kamay. Huwag tumakbo!
Sa karamihan ng mga kaso, ang mga oso ay hindi isang banta, pero nararapat lang sa kanila na galangin at pansinin. Kapag bumibiyahe sa bear country, manatiling alerto at magsaya sa pagkakataon na makikita ninyo ang mga napakagagandang hayop na ito sa kanilang natural na tirahan.
Ang Alaska ay bear country (lupain ng oso) at isa sa mga kakaunting lugar sa mundo kung saan ang lahat ng tatlong uri ng hayop ng North American na mga oso ay nakatira. Maaaring may pagkakataon kayong makakita ng oso sa Alaska. Pero kahit na hindi ito mangyari, hindi kayo nalalayong makakita nito.
Ang mga Brown bear, na tinatawag rin na mga grizzly bear, ay natatagpuan halos kahit saan sa Alaska. Ang mga black bear ay naninirahan sa karamihan ng mga gubat ng Alaska. Ang mga polar bear ay madalas sa yelo ng dagat at tundra ng pinakadulong hilaga at kanlurang Alaska.
Ang mga oso ay mausisa at may gawi na iwasan o hindi papansin ng mga tao, pero maaaring mapanganib ang mga ito. Ang karamihan sa mga oso na nakatira sa Alaska at ang karamihan sa mga tao ay nasisiyahan sa labasan, pero kagulat-gulat na iilang tao lang ang nakakakita ng mga oso at kakaunti lang sa mga iyon ang natatakot sa isang oso.
Ang pag galang sa mga oso at pag-aaral ng wastong pag-uugali ay makakatulong sa inyong maiwasan ang pagkakasagupaan - at makakatulong sa inyong malaman kung paano ang dapat maging reaksyon ninyo kung makakita kayo ng isang oso.
Pag-iiwas sa Mga Problema
Pinakamainam na maunawaan kung ano ang kailangan ng mga oso at iwasan ang mga oso hangga't maaari. Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng pagtatabi ng isang malinis na kampo at tahanan, at sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo para sa kaligtasan laban sa oso, kapag naglilibang o nagtatrabaho sa bear country (lupain ng oso).
Huwag kailanman Lalapitan ang Mga Oso - Bigyan Sila ng Espasyo
- Ang bawat oso ay may "personal na espasyo"- ang layo kung saan ang bawat oso ay nakakaramdam ng takot o pagbabanta. Kung makapasok kayo sa espasyong iyon, maaaring maging agresibo ang oso.
- Bigyan ng dagdag na espasyo ang isang babaeng oso. Ang mga babaeng oso ay lalong matatapang na tagapagtanggol ng kanilang mga anak at maaaring agresibo ang kanilang pagkilos kung madama nila na nanganganib ang kanilang mga anak.
- Kapag kinukuhanan ng litrato ang mga oso, gamitin ang inyong zoom; ang pagiging masyadong malapit ay maaari ayong malagay sa panganib.
- Ang mga oso, tulad ng mga tao, ay gumagamit ng mga landas at daan. Huwag ilagay ang kampo na malapit sa isang daanan na maaaring gamitin nila.
- Iwasan ang mga lugar kung saan nakakakita kayo o nakakaamoy ng mga patay na isda o iba pang mga hayop, o makakita ng mga nagtitipon-tipon na mga hayop na kumakain ng mga bulok na bagay. Maaaring malapit ang pagkain ng isang oso. Kung may lumilibot na oso, maaari nitong ipagtanggol sa agresibong paraan ang pagkain nito.
Huwag Gulatin ang isang Oso
- Mag-ingay, kumanta o magsalita ng malakas. Parang ipaalam sa mga oso na naroroon kayo.
- Iwasan ang makakapal na halamanan hangga't maaari. Kapag ang kalupaan o mga pananim ay ginagawang mahirap na makakita, mag-ingay pa ng kaunti.
- Maglakad kasama ng isang grupo; ang mga grupo ay mas madali para sa mga oso na matuklasan.
- Maglakad na ang daloy ng hangin ay nasa likod ninyo, hangga't maaari. Ang mga oso ay nakakakita ng halos kasing linaw ng mga tao, pero nagtitiwala sa kanilang mga ilong kaysa sa kanilang mga mata o tainga.
Huwag Pakainin ang Mga Oso
- Ang mga oso ay may ilang buwan lang para makapagtabi ng mga taba para sa mahabang taglamig sa mga yungib at parating naghahanap ng makakain. Huwag ipaalam sa kanila na ang pagkain o basura ay madaling kainin. Nakakaloko at iligal na pakainin ang mga oso, nang sadya o ng hindi nagtatabi ng pagkain o basura palayo sa mga oso.
- Magtabi ng isang malinis na kampo. Hugasan ang inyong maruruming pinagkainan. Iwasan ang maaamoy at malalangis na pagkain tulad ng bacon o tinapang isda (smoked fish). Panatilihin na hindi nangangamoy ang inyong mga damit.
- Magluto palayo sa inyong tent. Itabi ang lahat ng mga pagkain palayo sa inyong campsite (lugar ng kamping). Isabit ang mga pagkain sa lugar na hindi maaabot ng mga oso. Kung walang mga puno, itabi ang inyong pagkain sa isang airtight (hindi papasukan ng hangin) o tiyak na ginawa na hindi mabubuksan ng mga oso na mga lalagyan.
- Sigaan nang ganap ang mga labing pagkain sa isang mainit na apoy. Ilabas sa pagkaka-empake ang lahat ng mga bagay. Ang pagkain at basura ay parehong nakakaakit ng oso kaya't pakitunguhan ang mga ito sa parehong paraan.
- Tandaan, ang mga alagang hayop at ang kanilang pagkain ay nakakaakit rin ng mga oso.
- Ang mga maaamoy na bagay tulad ng tutpeyst, mga kagamitan sa paglilinis ng katawan at kahit na ang gasolina ay dapat itabi nang malayo sa inyong lugar ng camp at malayong maabot ng mga oso.
Huwag Mangisda para sa Mga Oso
- Kung natuto ang oso na makakakuha ito ng isda sa pamamagitan lang ng paglalapit sa mga namimingwi, ito ay babalik ng babalik.
- Kung ang oso ay lumapit sa inyo habang kayo ay nangingisda, huminto sa pangingisda.
- Kung lumapit sa inyo ang isang oso at may nabingwit kayong isda, idahan-dahan ang panghuli ng isda upan hindi tumilamsik ang isda - o kung kinakailangan, putulin ang inyong pamingwit.
Paano Pakitunguhan ang Muntikan nang Pagtatagpo sa Mga Oso
Kung may nakita kayong oso, iwasan ito at bigyan ang oso ng pagkakataon na iwasan kayo. Kung kayo nga ay nakasalimuha ng isang oso, maging kalmado at subukan na obserbahan kung ano ang ginagawa ng oso. Malaki ang posibilidad na hindi kayo nanganganib. Ang karamihan sa mga oso ay interesado lang sa pagpoprotekta ng pakain, mga anak nila o ang kanilang "personal na espasyo". Sa sandaling maramdaman nila na wala nang panganib o pagbabanta sa kanila, magpapatuloy na sila sa kanilang normal na ginagawa. Tandaan ang mga sumusunod:
Kung may Nakita Kayong Oso
- Kung ang oso ay tila hindi kayo namalayan, lumayo nang hindi ito ginugulat. Parating tingnan ang oso.
- Kung hindi kayo mapansin ng oso, harapin ang oso, tumayo ng maayos at kausapin ito sa kalmadong paraan. Ipaunawa sa oso na tao kayo. Magsalita sa normal na boses. Tulungan ang oso na makilala kayo. Subukan na tila mas malaki kaysa sa normal sa pamamagitan ng pagtitindig nang malapit sa iba sa inyong grupo o ikaway ang inyong mga kamay sa ibabaw ng inyong ulo nang dahan-dahan. Subukan na lumayo paatras nang dahan-dahan, pero kung sumunod ang oso, huminto at tumindig ng maayos. Ihanda ang inyong kagamitan na makakatulong na pang-taboy sa hayop.
- Kung hindi maunawaan ng oso kung ano kayo, maaaring lumapit ito o tumayo gamit ang paanan sa likod para mas mahusay kayong matingnan o maamoy. Ang nakatayong oso ay karaniwang mausisa, at hindi mapagbanta.
- Kung gawin ninyo ang mga nakasaad na kilos sa itaas at patuloy pa rin ang oso na pagtuunan kayo ng pansin o ang inyong pamamaraan, kailangan ay higit ninyong pilitin: lakasan ang inyong boses, ihataw-hataw ang mga kaldero, gumamit ng mga bagay na nagdudulot ng ignay, magtapon ng mga bato o patpat. Gamitin an inyong kagamitan na makakatulong na pang-taboy sa hayop, kung mayroon kayo. Itaboy paalis ang oso kaysa sa pahintulutan na sundan kayo. Kung may kasama kayo, magsama-sama sa isang grupo para tila magmukhang malaki at tumayo nang maayos.
Mga Sorpresang Pagtatagpo
- Kung ginulat ninyo ang isang oso sa malapitan, maaaring matakot ito at kumilos bilang pagtanggol sa kaniyan sarili, lalo na kung may mga anak ito o pagkain. Magpatuloy na maging handa na ipagtanggol ang inyong sarili. Kung lumayo ang oso, maglakad palayo nang dahan-dahan, nang hindi inaalis ang inyong paningin sa oso. Lumayo pa ng higit.
Huwag kailanman tumakbo
- Hindi ninyo maaaring maunahan ang isang oso sa pagtakbo. Ang mga oso ay higit na mas mabilis, tulad nang isang sprinter at, tulad ng mga aso, hahabulin nila ang mga tumatakbong hayop. Ang sumasalakay na oso ay maaaring lumapit bago tuluyang tumakbo. Mahalagang handa kayong ipagtanggol ang inyong sarili.
Sa Madalang na Kaganapan ng Isang Pag-atake
Kung makipag-ugnayan ang isang oso, mayroon kayong dalawang pagpipilian na gawin: magkunwari na patay o lumaban pabalik. Ang pinakamainam na magagawa ay depende kung ang oso ay kumikilos bilang sariling pandepensa o naghahanap lang ng pagkain.
- Ang karamihan sa mga pag-atake ng brown bear ay isang kilos bilang depensa. Magkunwaring patay sa mga situwasyon na kailangang ipagtanggol ang sarili: Mahulog sa lupa at huwag gagalaw kung may brown bear na nagulat ninyo o anumang babaeng oso na nagpoprotekta sa kaniyang mga anak ay nakipag-ugnayan. Dumapa, nakahiwalay ang mga binti para mas mainman, na ang inyong mga kamay ay nagpoprotekta sa likod ng inyong leeg. Ang isang depensibong oso ay karaniwang nagtatapos ng kanyang atake kung nararamdaman nito na hindi kayo isang banta. Manatiling hindi kumikilos ng matagal hangga't maaari. Kung gumalaw kayo, at nakita o narinig kayo ng oso, maaari itong bumalik o muling umatake. Makalipas ng isang matagal na pag-atake, lumaban pabalik.
- Lumaban pabalik sa ibang mga situwasyon: Bihira, ang nag-iisang mga black bear o brown bear ay maaaring ipalagay na ang isang tao ay posibleng makakain. Makipaglaban sa anumang oso na kalmadong nakatuon ang pansin sa inyo at nakikipag-ugnayan o sumalakay sa isang tolda o gusali. Sa halos lahat ng mga situwasyon, ang inyong pinakamagaling na depensa laban sa umaatakeng black bear ay lumaban pabalik. Bigyang pansin ang mukha o nguso ng oso gamit ang anumang bagay na hawak ninyo.
Proteksyon
Ang mga kagamitan na makakatulong na pang-taboy sa hayop, kasama na ang mga armas at pambomba para sa oso (bear spray), ay makakatulong pero hindi kailanman dapat gamitin bilang isang alternatibo sa mga pamamaraan gamit ang sentido kumon kapag nakasalimuha ang isang oso.
Ang mga produkto na may markang "bear spray" ay naglalaman ng capsicum (red pepper extract) at mabisa sa pagtataboy ng mga oso sa malapitan. Ang mga bear spray ay ginawa para magbuga ng mist na hanggang 15-30 feet. Kung ibinuga nang pataas salungat sa daloy ng hangin o sa isang sasakyan, maaaring tamaan nito ang gumagamit. Mag-ingat. Kung may dala kayong bear spray, parati itong dalhin at alamin kung paano ito gamitin.
Kung wala kayong karanasan sa armas, maaaring mahirap na matagumpay na mapaputok ito sa mga situwasyong pang-emerhensya. Dagdag pa dito, ang isang nasugatan na oso ay maaaring mas malaking banta sa kaligtasan ng tao. Ang isang .300-Magnum na rifle o isang 12-gauge shotgun na may rifled slugs ay mga angkop na armas kung kailangan ninyong barilin ang isang oso. Ang mga malalaking handgun (baril) tulad ng 44-Magnum ay maaaring hindi sapat sa mga situwasyong pang-emerhensya, lalo na sa mga hindi sanay na kamay.
Bilang Buod
- Mag-ingay para hindi ninyo magulat ng oso. Manatiling alerto at maghanap ng mga senyas o hudyat na may oso.
- Huwag kailanman lumapit o dagsain ang mga oso; galangin ang kanilang "personal na espasyo."
- Panatilihin na malayo ang pagkain, basura at iba pang mga bagay na nakaka-akit sa oso nang malayo mula sa kanila.
- Manatiling kalmado kapag nakasalimuha ang isang oso, kausapin ito at iwagayway ang inyong mga kamay. Huwag tumakbo!
Sa karamihan ng mga kaso, ang mga oso ay hindi isang banta, pero nararapat lang sa kanila na galangin at pansinin. Kapag bumibiyahe sa bear country, manatiling alerto at magsaya sa pagkakataon na makikita ninyo ang mga napakagagandang hayop na ito sa kanilang natural na tirahan.